Kumukutikutitap: A Filipino Christmas Party 2023

Pasko na naman, Oh kay tulin ng araw!

Magkita-kita po tayong muling mga Pilipino, saang dako man ng Serbia sa darating ika-24 ng Disyembre, 12:00-20:00, sa Grand Ada Gold, Beograd.

Sabay-sabay nating ipagdiwang ang Pasko!

Entrance Fee: Adult: 1200 rsd, Kids (10 years old and below): 300 rsd

Magsuot ng kahit anong makislap, makintab, o mailaw. May premyo ang best in costume sa matanda at bata.

Potluck – Magdala ng pagkaing maaaring nating pagsaluhan. Maaaring maghati ang up to 5 na tao sa cost ng pagkaing dadalhin.

Sagot na namin ang non-alcoholic drinks (soft drinks, juice, tubig)

Exchange gift (optional): Minimum cost of gift: 1000 rsd / adult, 500 rsd / kid. Preferably non-food and neutral gifts only.

Mag-register para masama namin kayo sa listahan.

Tara na!


Kung kayo po ay may mga katanungan, suhestiyon, o komento, huwag pong mahiyang magsabi sa amin.